Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Kahalagahan ng pagtatatag ng mas mahigpit na komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng SCO

(GMT+08:00) 2019-06-15 09:13:25       CRI
Sa Ika-19 na Pulong ng Konseho ng mga Puno ng Estado ng Shanghai Cooperation Organization (SCO) na idinaos nitong Biyernes, ika-14 ng Hunyo 2019, sa Bishkek, Kyrgyzstan, nanawagan si Pangulong Xi Jinping ng Tsina para magkakasamang itatag ang mas mahigpit na komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng SCO. Sinabi rin niyang, dapat igiit ang Diwa ng Shanghai at prinsipyo ng pagkakaisa at pagtutulungan, para ang SCO ay maging organisasyong nagkakaroon ng pagkakaisa at pagtitiwalaan, magkakasamang nagsasabalikat ng kasaganaan at kahirapan, nagsasakatuparan ng mutuwal na kapakinabangan at win-win situation, at nagpapahalaga sa pagiging inklusibo at pag-aaral sa isa't isa.

Pagkaraan ng Qingdao Summit ng SCO noong isang taon, muling iniharap ni Xi ang mga mungkahi para sa pag-unlad ng naturang organisasyon. Ipinakikita nito ang konsistenteng pagkatig at namumunong papel ng Tsina sa SCO.

Sa pamamagitan ng 18 taong pag-unlad, ang SCO ay naging isang organisasyong panrehiyon na may pinakamalaking populasyon at pinakamalawak na kabuuang saklaw ng mga kasaping bansa. Ito rin ay isang mahalagang puwersa para sa pagpapasulong ng kapayapaan at kaunlaran ng daigdig, at pangangalaga sa pagkakapantay-pantay at katarungan ng mundo. Sa kasalukuyan, ang multipolarisasyon at globalisasyong pangkabuhayan ay pangunahing tunguhin pa rin ng daigdig, pero lumalala naman ang unilateralismo at proteksyonismo. Sa ilalim ng kalagayang ito, paanong sasamantalahin ang mga pagkakataon at pagtatagumpayan ang mga hamon ay mahalagang tanong para sa SCO.

Sa talumpati ni Xi sa kasalukuyang summit, nakikita ang sagot sa naturang tanong. Ang pagtatatag ng mas mahigpit na komunidad ng pinagbabahaginang kinabukasan ng SCO ay magdudulot ng mahalagang inspirasyon para sa pagharap sa mga hamong pandaigdig, pagtataguyod ng multilateralismo, at pangangalaga sa mga tuntuning pandaigdig. Sa pamamagitan naman ng paggigiit sa Diwa ng Shanghai at prinsipyo ng pagkakaisa at pagtutulungan, isasakatuparan din ang mas malaking pag-unlad ng SCO. Ito ay hindi lamang magdudulot ng benepisyo sa mga mamamayan ng mga kasaping bansa ng organisasyong ito, kundi magbibigay din ng mga matatag na elemento sa pag-unlad ng buong mundo.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>