Ipinahayag kamakailan ni Neil Bush, Tagapangulo ng George H. W. Bush Foundation for U.S.-China Relations na nitong 40 taong nakalipas sapul nang itatag ang relasyong diplomatiko ng Tsina at Amerika, kapuwa nakikinabang ang dalawang panig dahil sa mainam na pag-unlad ng bilateral na relasyon.
Aniya pa, ang diyalogo ay saligang paraan para sa paglutas ng mga isyung kinakaharap ng dalawang bansa sa kasalukuyan.
Si Neil Bush ay ika-3 anak na lalaki ni George Herbert Walker Bush, ika-41 pangulo ng Amerika, at founder ng George H. W. Bush Foundation for U.S.-China Relations.
Salin:Lele