Hunyo 27, 2019, dumating si Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Osaka, Hapon para dumalo sa Ika-14 na G20 Summit. Ito ay ika-7 paglahok ni Xi sa Summit ng Group of Twenty (G20). Sa nakaraang mga summit, iniharap ni Xi ang paninindigan ng Tsina sa pagsasaayos ng pandaigdigang pangangasiwa ng mundo, pagbabahagi ng karunungan ng Tsina, at ito ay nagpapakita ng pagpapahalaga ng Tsina sa kooperasyon ng G20 at responsibilidad bilang isang malaking bansa.
Itinatag ang G20 Summit noong 2008, sa panahong iyon, naganap ang pandaigdigang krisis ng pinansya, at idinaos ang unang pulong at tinalakay ng mga lider ng G20 ang hinggil sa pagkontrol sa krisis na ito.
Nitong 10 taong nakalipas, inilipat ang G20 Summit mula mekanismo ng pagharap ng krisis tungo sa mekanismo ng matagal na pangangasiwa, at naging isa sa mga pinakamahalagang multilateral na mekanismo. Pero, kasunod ng pag-ahon ng unilateralismo, protectionismo, at anti-globalization, lalung-lalo na dahil sa paglala ng alitang pangkalakalang inilunsad ng Amerika, naapektuhan ng ilang digri ang iba't ibang miyembro ng G20, kaya kinakaharap ng idaraos na G20 Summit sa Osaka ang mas mahigpit na hamon.
Sa harap ng kasalukuyang krisis at kawalang-katatagan, kung magpapakita ang G20 ng pagkakaisa at determinasyon sa pagharap ng kahirapan sa buong daigdig, ito ay pinapansin ng iba't ibang panig. At mahalaga ang pagbabalik ng G20 ang sinimulang komong mithiin sapul nang buuin. Inaasahan ng mundong isasagawa ng G20 Summit ang aksyon sa halip ng pagpapahayag ng salita lamang.
Sumasaklaw ang G20 ng 66% ng populasyon sa buong daigdig, at ang kabuhayan ay bumubuo ng 85% ng pandaigdigang ekonomiya, samantalang ang kalakalan nila ay bumubuo ng 75% ng daigdig. Ang kasaysayan ng nakaraang 10 taon ay nagpatunay na kung magkakaroon ang mga miyembro ng pagkakaisa, koordinasyon ng iba't ibang paninindigan, at pangangalaga ng pagbukas at kooperasyon, saka lamang malulutas ng multilateral na mekanismong ito ang krisis sa kasalukuyan.
Salin:Lele