Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Dalubhasang Italyano: Matatag na relasyong Sino-US pangkalahatang pag-asa ng internasyonal na komunidad

(GMT+08:00) 2019-07-05 20:54:15       CRI
Ginanap ang 14th G20 Leaders Summit sa Osaka, Hapon. Binigkas ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang isang mahalagang talumpati sa summit na binigyan ng maraming pansin ng internasyonal na komunidad. Sa bagay na ito, sinabi ni Fabio Massimo Parenti, dalubhasa sa ugnayang panlabas ng Istituto Lorenzo de' Medici sa isang pakikipanayam kamakailan na ang G20 Osaka Summit ay muling nagpatunay na ang multilateralismo ay pinipili ng maraming tao. Ang matatag na relasyon sa Sino-Amerikano ay pangkalahatang pag-asa ng internasyonal na komunidad.

Aniya "Sa mga nakaraang taon, ang gobyernong US ay nagpakita ng malakas na pagkatig sa proteksyonismo at unilateralismo, upang mapanatili ang pandaigdigang pangunahing posisyon ng Estados Unidos sa pamamagitan ng paraang ito. Ngunit ang aksyong ito ay kabaligtaran sa kagustuhan ng ibang bansa. Nababakas sa G20 Osaka Summit na ang pandaigdigang kaayusan ay nakararanas ng malaking pagbabago. Ang lahat ng mga miyembro ng kumperensya bukod sa US ay nagpapahayag ng suporta para sa multilateralismo, tinututulan ang labanan sa kalakalan, at itinataguyod ang pagpapalakas ng diyalogo at komunikasyon. "

Sa G20 Osaka Summit, lumabas ang ilang positibong hudyat, lalo na ang limang pangunahing hakbangin na inihayag ni Pangulong Xi Jinping upang higit pang buksan ang merkado, aktibong palawakin ang mga pag-angkat, patuloy na mapabuti ang kapaligiran ng negosyo, ipatupad ang pantay na pakikitungo at malakas na itaguyod ang mga negosyong pang-ekonomiya at kalakalan na nakatanggap ng maraming pagpupuri mula sa internasyonal na komunidad. Ang mga poahayag ni Pangulong Xi ay muling sumasalamin sa determinasyon at kagustuhan ng pagbubukas ng Tsina. Naniwala si Parenti na ang mga hakbang na ito ay ipapatupad gaya ng dati.

"Ang karagdagang mga hakbang sa pagbubukas na inihayag ni Pangulong Xi Jinping ay walang alinlangan na ipatupad. Inaasahan ko na habang ang Tsina ay malinaw na nagpapahayag ng pagbubukas ng pamilihan at palalawakin ang pag-aangkat, ang iba pang mga bansa at ang internasyonal na komunidad ay maaaring magbigay ng katumbas na tugon, lalo na ang Estados Unidos," saad pa niya.

Salin: George Guo

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>