Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Premyer Tsino at Pangulo ng UNGA nagtagpo

(GMT+08:00) 2019-07-05 20:55:50       CRI
Nakipagtagpo si Li Keqiang, Premyer ng Tsina kay Tijjani Muhammad Bande, bagong halal na Pangulo ng 74th UN General Assembly nitong ika-4 ng Hulyo, 2019 sa Great Hall of the People sa Beijing.

Binati ni Li si Bande sa kanyang pagkakahalal bilang Pangulo ng 74th General Assembly ng UN. Sinabi niya na sa nakalipas na 70 taon sapul nang itatag ang UN, naging matingkad ang papel ng UN sa larangan ng pagpapanatili ng kapayapaan at kaligtasan ng daigdig, pagpapaunlad ng buong mundo at pagtataguyod ng internasyonal na kooperasyon.

Matatapat ang susunod na taon sa ika-75 anibersaryo ng pagtatatag ng United Nations. Sinusuportahan ng Tsina ang mga paghahanda kaugnay ng mga pagdiriwang dahil ang mga ito ay may mahalagang katuturan sa mga prinsipyo na sinasagisag ng United Nations na kinabibilangan ng multilateralismo, pagkakapantay-pantay ng soberanya, at paglutas ng mga suliranin sa mapayapang pamamaraan.

Bilang isang founding member ng United Nations, isang permanenteng miyembro ng Konseho ng Seguridad at pinakamalaking umuunlad na bansa, patuloy na pangangalagaan ng Tsina ang internasyonal na sistema kung saan ang United Nations ang nasa sentro, itataguyod ang mga layunin at prinsipyo ng UN Charter. Palalalimin din ng Tsina ang pandaigdigang kooperasyon, aalagaan ang internasyonal na pagkamakatarungan at hustisya, sama-samang haharapin ang mga hamon,upang itatag ang isang komunidad na may pinagbabahaginang kinabukasan para sa sangkatauhan na isinusulong ng Tsina kasama ng ibang bansa.

Ipinahayag ni Bande ang kanyang pasasalamat sa Tsina dahil sa malakas na suporta sa United Nations. Bilang Pangulo ng UN General Assembly, matatag niyang sinusuportahan ang multilateralismo, pangangalagaan ang mga layunin at prinsipyo ng UN Charter, at kakatigan ang mga bansa sa paglutas ng mga problema sa pamamagitan ng konsultasyon. Nangako rin siyang magiging obdyektibo at patas habang ipinatutupad ang mga tungkulin at palalakasin ang komunikasyon at koordinasyon sa Tsina.

Salin: George Guo

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>