Tungkol sa pagbebenta ng Amerika ng mga sandatang nagkakahalaga ng 2.2 bilyong dolyares sa Taiwan, ipinahayag Hulyo 9, 2017, ni Ma Xiaoguang, Tagapagsalita ng Tanggapan ng Konseho ng Estado ng Tsina na namamahala sa mga suliranin ng Taiwan ang mariin at puspusang pagtutol. Aniya, nakikialam ang Amerika sa suliraning panloob ng Tsina at ito'y nakakasira sa kapayapaan at katatagan ng Taiwan Straits.
Aniya, dapat agarang itigil ng Amerika ang pagpapadala ng maling signal sa puwersa ng pagsasarili ng Taiwan.
Salin:Lele