Ipinatalastas kamakailan ng Amerika ang plano nitong bentahan ng mga armas na nagkakahalaga ng mga 2.2 bilyong dolyares ang Taiwan. Kaugnay nito, ipinahayag sa Beijing nitong Biyernes, Hulyo 12, 2019 ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na isasagawa ng panig Tsino ang sangsyon sa mga kompanyang Amerikano na kalahok sa nasabing pagbebenta ng armas.
Ani Geng, ang pagbebenta ng armas ng Amerika sa Taiwan ay grabeng lumalabag sa pundamental na norma ng pandaigdigang batas at relasyong pandaigdig. Ito rin aniya ay grabeng lumalabag sa prinsipyong "Isang Tsina" at tadhana ng tatlong magkasanib na komunike ng Tsina at Amerika.
Salin: Li Feng