Bilang tugon sa patalastas ng Amerika na dapat itatag ang Pandaigdigang Unyon ng Kalayaan sa Relihiyon, ipinahayag Hulyo 23, 2019, ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na dapat igalang ng Amerika ang katotohanan, at huwag gawing pulitika ang relihiyon.
Bukod dito, ipinadala kamakailan ng mga 100 iskolar at personahe ng sirkulong panrelihiyon ng Xinjiang ang liham kay Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Amerika, para ipahayag ang mahigpit na pagbatikos sa di-responsableng pananalita hinggil sa Xinjiang. Noong Hulyo 19, binatikos din ng mga samahang panrelihiyon ng Tsina ang Amerika hinggil sa pag-atake nito sa patakarang pang-etniko at panrelihiyon ng Tsina.
Salin:Sarah