Ipinahayag ngayong araw ng State Post Bureau ng Tsina na hindi angkop sa katotohanan ang di-umano'y maling paghawak o mishandling ng FedEx sa mga pakete ng Huawei, telecom giant ng Tsina. Ayon sa pahayag, sa mahigit isang buwang imbestigasyon, sinuri ng panig Tsino ang pagpapadala ng FedEx ng ilang pakete ng Huawei sa Amerika, sa halip ng dapat na destinasyon sa Asya.
Ayon sa imbestigasyon, ang FedEx ay pinaghihinalaan ding sinubukang ipagpaliban ang pagpasok sa Tsina ng mahigit 100 parsel na ipinadala ng Huawei.
Natuklasan din ng mga imbestigador ang ebidensya na lumabag ang nasabing kompanyang Amerikano sa mga batas at regulasyon. Ayon sa pahayag, ipagpapatuloy ng Tsina ang imbestigasyon, alinsunod sa batayang komprehensibo, obdyektibo, at patas.
Salin: Jade
Pulido: Mac