Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Luang Prabang Railway Bridge, matagumpay na pinag-isa

(GMT+08:00) 2019-07-29 14:19:00       CRI

Linggo ng madaling araw, Hulyo 28, 2019, matagumpay na pinag-isa ang mga bahagi ng Luang Prabang Railway Bridge ng China-Laos Railway, at natapos ang konstruksyon nito, 7 buwan na mas maaga kumpara sa nakatakdang iskedyul.

Ito ay masusing bunga ng konstruksyon ng proyekto ng China-Laos Railway, at nakapaglatag ng matibay na pundasyon para sa pagsasaoperasyon ng naturang daambakal sa Disyembre ng 2021.

Ang kabuuang haba ng Luang Prabang Railway Bridge ay 1458.9 metro, na dumadaan sa Mekong River. Pinakamahirap at pinakamasalimuot ang konstruksyon nito sa buong proyekto.

Sa kasalukuyan, maalwang sumusulong ang konstruksyon ng Ban Ladhan Railway Bridge, isa pa sa dalawang cross-Mekong bridge sa kahabaan ng China-Laos Railway. Nakatakda itong matapos sa loob ng kasalukuyang taon.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>