Ayon sa Joint Chiefs of Staff (JCS) ng Timog Korea Miyerkules, Hulyo 31, 2019, magkasunod na inilunsad bandang 5:06 am at 5:27 am (local time) ng Hilagang Korea ang dalawang short-range ballistic missile sa hilagang silangang karagatan ng bansang ito.
Kasalukuyang mahigpit na binabantayan ng JCS ang lugar kung saan inilunsad ng Hilagang Korea ang nasabing dalawang missile.
Ipinahayag din ng JCS na ang magkakasunod na pagpapalipad ng Hilagang Korea ng mga missile ay hindi nakakabuti sa pagpapahupa ng maigting na situwasyon ng Korean Peninsula. Hinihimok nito ang panig Hilagang Koreano na itigil ang ganitong aksyon.
Salin: Lito