Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Cathy Pacific Airways, inulit ang pagtutol sa mga ilegal na aktibidad at karahasan

(GMT+08:00) 2019-08-19 14:39:25       CRI

Inilabas Linggo, Agosto 18, 2019 ng Cathy Pacific Airways ng Hong Kong ang pahayag kung saan inulit nito ang pagtutol sa lahat ng mga ilegal na aktibidad at karahasan na humahamon sa simulain ng "Isang Bansa, Dalawang Sistema" at awtoridad ng Saligang Batas ng Hong Kong.

Kumalat kamakailan sa internet ang isang liham ng kawani ng Cathy Pacific Airways sa mga taga-Hong Kong. May pananalita ng pag-udyok ang naturang liham, nang hihimok magsagawa ng ibayo pang aksyon.

Kaugnay nito, anang pahayag, kahit sa kasalukuyan, di-kumpirmado kung may-kaugnayan o hindi ang kawani ng kompanyang ito sa nasabing pangyayari, lubos na pinahahalagahan ito ng kompanya, at isinasagawa ang imbestigasyon tungkol dito.

Diin ng ulat, ikinababahala ng Cathy Pacific Airways ang karahasan at kaguluhan na kasalukuyang nagaganap sa Hong Kong, at buong tatag na kinakatigan ang walang humpay na pagsisikap ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), punong ehekutibo at panig pulisya sa mga aspektong gaya ng pagpigil sa karahasan at kaguluhan, pagpapanumbalik ng kaayusang pambatas at iba pa. Kinondena rin nito ang lahat ng mga ilegal na aktibidad at karahasan na humamon sa simulain ng "Isang Bansa, Dalawang Sistema" at awtoridad ng Saligang Batas ng Hong Kong.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>