Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tsina, buong tatag na tinututulan ang pagpapataas ng Amerika ng karagdagang taripa sa mga iniluluwas na panindang Tsino

(GMT+08:00) 2019-08-25 09:58:25       CRI

Sabado, Agosto 24, 2019, ipinatalastas ng panig Amerikano na patataasin ang karagdagang taripa sa mga iniluluwas na panindang Tsino sa Amerika na nagkakahalaga ng halos 550 bilyong dolyares. Kaugnay nito, nagpalabas ng pahayag ang tagapagsalita ng Ministri ng Komersyo ng Tsina bilang buong tatag na pagtutol dito.

Anang pahayag, ang ganitong unilateral at hegemonistikong proteksyonismo at aksyon ng extreme pressure ay lumabag sa mga komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, sumalungat sa simulain ng paggagalangan, pagkakapantay-pantay, at mutuwal na kapakinabangan, at grabeng nakasira sa sistema ng multilateral na kalakalan at normal na kaayusan ng kalakalang pandaigdig. Tiyak na may kabayaran ang Amerika sa sarili nitong aksyon.

Matinding hinimok ng panig Tsino ang panig Amerikano na huwag maling tasahin ang kalagayan, huwag maliitin ang determinasyon ng mga mamamayang Tsino, at agarang itigil ang maling aksyon. Kung hindi, babayaran ng Amerika ang lahat ng mga resultang dulot nito.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>