Buong tinding kinondena ngayong araw, Sabado, ika-31 ng Agosto 2019, ni Lo Wai-chung, Komisyoner ng Kapulisan ng Hong Kong, ang pag-atake sa isang pulis na tapos ang trabaho.
Winika ito ni Lo pagkaraang bisitahin niya ang naturang pulis sa ospital. Sinabi rin niyang lubos na ini-iimbestigahan ng panig pulisya ang insidenteng ito, at ihaharap sa batas ang mga maykagagawan.
Ang nabanggit na pulis, 45 taong gulang, ay sinaksak ng tatlong lalaki, pagkaraang umalis siya ng opisina pagkatapos ng trabaho. Nasugatan siya sa mga bisig at likod.
Salin: Liu Kai