|
||||||||
|
||
Sinabi nitong Linggo, Setyembre 8, 2019 ni Mike Pompeo, Kalihim ng Estado ng Estados Unidos, na suspendido ngayon ang peace talks ng kanyang bansa at Taliban militant group. Subalit, umaasa aniya siyang mapapanumbalik ito sa hinaharap.
Kaugnay ng kung tuluyan nang ibabasura ang nasabing peace talks, sinabi ni Pompeo na ito ay depende sa gagawin ng Taliban.
Samantala, sinabi nang araw ring iyon sa kanyang Twitter ni Zabihullah Mujahid, Tagapagsalita ng Taliban, na naging kapinsalaan sa kredibilidad ng Amerika ang biglang pagkansela ni US President Donald Trump sa planong peace talks. Aniya, magiging mas kawalan ng US ang pagkansela nito ng peace talks kaysa sa kanila.
Salin: Lito
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |