Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pagkatig sa Tsina sa isyu ng Xinjiang at Hong Kong, ipinahayag ng ilang bansa sa UNHRC

(GMT+08:00) 2019-09-12 10:02:05       CRI
Sa Ika-42 Pulong ng United Nations Human Rights Council (UNHRC) na idinaos nitong Martes at Miyerkules, ika-10 hanggang ika-11 ng Setyembre 2019, sa Geneva, Switzerland, ipinahayag ng ilang bansa ang pagkatig sa Tsina sa mga isyung may kinalaman sa Xinjiang at Hong Kong.

Sinabi ng mga kinatawan ng Hilagang Korea at Yemen, na natamo ng Tsina ang mga bunga sa paglaban sa terorismo at pagpawi ng ekstrimismo sa Xinjiang, at ito ay kinikilala ng mga personaheng dayuhang bumisita mismo sa Xinjiang.

Ipinahayag naman ng mga kinatawan ng Laos, Myanmar, Belarus, at Venezuela, na ang kasalukuyang mga nangyayari sa Hong Kong ay hindi mapayapang demonstrasyon, at bagkus, grabe itong nakakapinsala sa kapayapaan, katatagan, at kabuhayan ng Hong Kong. Sinabi rin nila, na ang isyu ng Hong Kong ay suliraning panloob ng Tsina, at hindi dapat makialam dito ang anumang dayuhang puwersa.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>