Biyernes, Hulyo 12, 2019, magkakasamang nagpadala ng liham sa Tagapangulo ng UN Human Rights Council (UNHRC) at UN High Commissioner for Human Rights ang mga pirmihang embahador ng 37 bansa sa Geneva, kung saan nagbigay ng positibong pagtasa sa tagumpay ng usapin ng karapatang pantao ng Rehiyong Awtonomo ng Xinjiang ng Tsina, at mga natamong bunga nito sa paglaban sa terorismo at de-extremization. Nagpahayag din sila ng pagkatig sa paninindigan ng Tsina sa mga isyung may kinalaman sa Xinjiang.
Hinangaan sa liham ang paggigiit ng Tsina sa kaisipang gawing sentro ng pag-unlad ang mga mamamayan. Anang liham, sa pamamagitan ng pagpapaunlad at pagpapasulong sa karapatang pantao, natamo ng Tsina ang napakalaking tagumpay sa karapatang pantao, at ginawa ang ambag para sa pandaigdigang usapin ng karapatang pantao. Isinagawa ng Xinjiang ang isang serye ng mga hakbangin sa paglaban sa terorismo at de-extremization, bagay na mabisang naggarantiya sa pundamental na karapatang pantao ng mga mamamayan ng iba't ibang lahi sa Xinjiang, dagdag ng liham.
Salin: Vera