Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Katapatan at kilos, nakakalikha ng paborableng kondisyon para sa talastasang pangkalakalan

(GMT+08:00) 2019-09-12 15:35:42       CRI

Bilang pagpapakita ng magandang hangarin bago ang bagong round ng talastasang pangkalakalan ng Tsina't Amerika, ini-tweet ni Pangulong Donald Trump na ipagpapaliban niya ang pagpapataw ng karagdagang taripa sa 250 bilyong dolyares na panindang Tsino, mula Oktubre 1 sa Oktubre 15. Ginawa ni Trump ang nasabing desisyon wala pang isang araw makaraang ilabas ng Tsina ang listahan ng mga mga produkto mula sa Amerika na ililibre sa unang round ng karagdagang taripa. Ito ay para mapaliit ang epekto ng alitang pangkalakalan sa mga bahay-kalakal na Tsino na pangunahing naka-depende sa pag-aangkat.

Nakatakdang idaos ang ika-13 round ng talastasang pangkalakalan ng Tsina't Amerika sa unang dako ng Oktubre. Ang naturang magkasunod na kapasihayan ng dalawang panig ay nagpakita ng kanilang sinseridad at aksyon para makalikha ng mainam na kondisyon para sa gaganaping talastasan. Masasabi itong angkop sa inaasahan ng komunidad ng daigdig.

Ipinakikita ng mahigit isang taong alitang pangkalakalan ng dalawang bansa na walang mananalo rito, at hindi kalutasan ang pagdaragdag ng taripa. Sa halip, ang pananangan sa pagkakapantay at paggagalangan sa talastasan at kooperasyon ay ang siyang tanging kalutasan sa pagkakaiba.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>