Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Katapatan at pragmatismo, nakikita sa muling pagpunta ng delegasyong pangkalakalan ng Tsina sa Amerika

(GMT+08:00) 2019-09-18 15:21:14       CRI

Sa paanyaya ng panig Amerikano, nakatakdang lumisan ngayong araw ng Beijing papuntang Amerika ang delegasyong Tsino para sa talastasan hinggil sa isyung pangkabuhaya't pangkalakalan ng dalawang bansa. Ang biyahe ng delegasyong pinamumunuan ni Liao Min, Pangalawang Ministro ng Pinansya ng Tsina ay paghahanda para sa Ika-13 Round ng Talastasang Pangkabuhaya't Pangkalakalan sa Mataas na Antas ng dalawang bansa, na naka-iskedyul na ganapin sa Washington D.C. sa darating na Oktubre.

Dalawang linggo ang nakakaraan, umayon ang Tsina't Amerika na idaos ang ika-13 round ng talastasan. Sapul noon, pinapanatili ng magkabilang panig ang mahigpit at mabisang komunikasyon, at gumawa ng konkretong hakbang para mapahupa ang alitang pangkalakalan. Kabilang dito, nanguna ang Tsina sa pagpapalabas ng listahan ng 16 uri ng produktong Amerikano na ililibre sa karagdagang taripa. Bilang tugon, ini-tweet ni Pangulong Donald Trump na ipagpapaliban niya ang pagpapataw ng karagdagang taripa sa 250 bilyong dolyares na panindang Tsino, mula Oktubre 1 sa Oktubre 15.

Sa kasalukuyan, sinimulan na ng mga kompanyang Tsino ang pagtatanong hinggil sa presyo ng pag-aangkat ng mga produktong Amerikano na gaya ng soy bean at karne ng baboy. Nakikita rito ang kabutihang-loob at katapatan ng panig Tsino sa paglutas sa alitang pangkalakalan. Samantala, kailangan ding samantalahin ng panig Amerikano ang magandang pagkakataong ito at taglayin ang pragmatikong pakikitungo, para makalikha ng mainam na kondisyon para sa pagkakaroon ng substansyal na resulta ng bagong round ng talastasang pangkalakalan ng dalawang bansa. Makakabuti ito hindi lamang sa Tsina't Amerika, kundi sa buong daigdig.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>