Ipinatalastas nitong Miyerkules, Setyembre 18, 2019 ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina, na gaganapin sa Nanning, punong lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Lahing Zhuang ng Guangxi ng Tsina, ang Ika-16 China-ASEAN Expo (CAExpo) at China-ASEAN Business and Investment Summit (CABIS) mula Setyembre 21 hanggang 24. Ani Geng, dadalo rito si Han Zheng, Pirmihang Kagawad ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangalawang Premyer ng bansa, at ang mga lider ng mga kaukulang bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Salin: Lito