Idinaos ngayong araw, Biyernes, ika-27 ng Setyembre 2019, sa Beijing, ang paggagawad ng gantimpala sa mga national role model na nagbigay-ambag sa pagkakaisa at pag-unlad ng mga etnikong grupo ng Tsina.
Sa kanyang talumpati sa aktibidad, bingyang-diin ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagbuo ng malakas na "sense of community" ng buong nasyong Tsino. Nanawagan din siya sa iba't ibang etnikong grupo na magkaisa at magkakasamang magsikap, para matamo ang komong kasaganaan at kaunlaran at likhain ang magandang kinabukasan.
Sa aktibidad, ginawaran ng titulong national role model ang 665 grupo at 812 indibiduwal na nagbigay-ambag sa pagkakaisa at pag-unlad ng mga etnikong grupo ng Tsina.
Salin: Liu Kai