Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Pagdaragdag ng Tsina ng laang-gugulin sa edukasyon, magkakaloob ng kondisyon para sa de-kalidad na pag-unlad ng bansa

(GMT+08:00) 2019-09-29 11:03:12       CRI

Sa mga unang taon ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina, halos 80% ng populasyon ay salat sa edukasyon. Pagkaraan ng 70 taong pag-unlad, mayroon nang mahigit 16 na milyong propesyonal na guro sa Tsina, at naipalaganap na rin sa kabuuan, ang 9-year compulsory education. Noong isang taon, umabot sa 4.6 na trilyon ang kabuuang gastos sa edukasyon ng buong bansa, at ito ay pinakamalaking gastos sa pampublikong pinansya.

Para sa Tsina, na may mahigit 1.4 na trilyong populasyon, mayroong napakalaking presyur na pinansyal para mapalaganap ang compulsory education. Noong taong 1986, isinapubliko ng Tsina ang batas ng kompulsoryang edukasyon, at naisakatuparan sa kabuuan ang batas na ito pagkatapos ng 20 taon.

Kasabay nito, unti-unting naitatag ang sistema ng tertiary at vocational education. Bunga nito, nahubog ang 270 milyong de-kalidad na talento nitong 70 taong nakalipas. Sa proseso ng de-kalidad na pag-unlad ng Tsina, unti-unting lumilitaw ang bentahe ng mga talento na dulot ng pagdaragdag ng laang-gugulin sa usapin ng edukasyon.

Salin: Lito

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>