Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Diwa ng pagkakaisa at pagpupunyagi ng sambayanang Tsino, nakalikha ng "Himala ng Tsina"

(GMT+08:00) 2019-10-02 18:49:36       CRI

Bilang pagdiriwang sa Pambansang Araw at ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC) na natapat nitong Martes, Oktubre 1, iba't ibang aktibidad na kinabibilangan ng maringal na pagtitipun-tipon at gala ang idinaos maghapon kahapon sa Tian'anmen Square, Beijing, kabisera ng bansa.

Masasabing isang hakbang na naging mas malapit ang Tsina sa pagsasakatuparan ng dakilang adhikain ng muling pag-ahon ng nasyong Tsino. Gayunpaman, alam na alam din ng mga Tsino na nasa unang yugto ng sosyalismo pa rin ang bansa, at nananatili pa rin itong pinakamalaking umuunlad na bansa sa daigdig. Kasabay nito, kinakaharap din ng Tsina ang mga di-tiyak na kalagayan na gaya ng proteksyonismo at unilateralismo, at pagbaba ng kabuhayang pandaigdig. Bilang tugon, tulad ng sinabi ni Pangulong Xi Jinping, ang pagkakaisa ay nagsisilbing napakahalagang garantiya para mapagtagumpayan ng mga mamamayang Tsino ang lahat ng panganib at hamon sa landas ng pag-unlad.

Ayon sa isang artikulo na inilabas sa New York Times noong katapusan ng 2018, sinabi nitong "nagsisimula pa lamang ang hakbang ng pag-usad ng Tsina." Nitong 70 taong nakalipas, maraming himalang pangkaunlaran ang nilikha ng masisipag na Tsino. Sa hinaharap, tiyak silang lilikha ng mas maraming himala para sa buong mundo.

Salin: Jade
Pulido: Mac

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>