Sa panayam ng China Media Group na ginawa kahapon, ika-2 ng Oktubre 2019, sa Tokyo, ipinahayag ni Punong Ministro Shinzo Abe ng Hapon ang pagbati sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina (PRC).
Sinabi ni Abe, na sapul nang isakatuparan noong 1972 ng Hapon at Tsina ang normalisasyon ng relasyong diplomatiko, malaking umuunlad ang bilateral na relasyon, lumalalim ang pag-uunawaan ng kani-kanilang mga mamamayan, at lumalakas ang pagpapalitan ng kabuhayan at kalakalan ng dalawang bansa. Umaasa aniya siyang mapapanatili ang magandang tunguhing ito, at magiging mas matibay ang relasyon ng dalawang bansa.
Kaugnay ng gagawing dalaw-pang-estado ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Hapon sa susunod na taon, ipinahayag din ni Abe ang pananabik. Umaasa aniya siyang magtatagumpay ang biyaheng ito, at magbubukas ito ng bagong kabanata ng relasyon ng Hapon at Tsina.
Salin: Liu Kai