Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Panawagan ng think tank at siyentistang Amerikano sa pagpapahigpit ng pagtutulungang Sino-Amerikano, dapat pakinggan: tagapagsalitang Tsino

(GMT+08:00) 2019-10-25 10:33:47       CRI

Hiniling nitong Huwebes, Oktubre 24 ni Hua Chunying, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina sa mga policymaker ng Amerika na pakinggan ang makatwirang tinig mula sa think tank at alagad ng agham ng Amerika kaugnay ng pagpapahigpit ng pagpapapalitan at pagtutulungang pansiyensiya ng dalawnag bansa.

Inilabas kamakailan ng Center for Strategic and International Studies (CSIS) ang ulat na pinamagatang "Research Collaboration in an Era of Strategic Competition." Ayon sa ulat, ang restriksyon ng Amerika sa kolaborasyong siyentipiko sa pagitan ng Tsina at Amerika, sa pangangatwiran ng pambansang seguridad ay mababakas sa katulad na pagkabahala sa Cold War. Hiniling din ng ulat sa pamahalaang Amerika na itatag ang pakikipagtulungan sa mga pribadong sektor at akademiya para i-balanse ang pagbubukas sa pananaliksik na pansiyensiya't pambansang seguridad.

Nauna rito, inilabas ng animnapung (60) institusyong pansiyensiya ng Amerika ang bukas na liham at nanawagan sa pamahalaang Amerikano na itigil ang panggigipit sa mga mananaliksik na dayuhan at paghadlang sa pandaigdig na kooperasyong pansiyensiya.

Salin: Jade
Pulido: Rhio

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>