Inilabas kamakalawa, Martes, ika-12 ng Nobyembre 2019, sa Folha de São Paulo, pinakatinatangkilik na pahayagan sa Brazil, ang artikulo hinggil sa panayam kay Shen Haixiong, Presidente ng China Media Group (CMG).
Ayon sa artikulo, isiniwalat ni Shen, na bago ang isinasagawang pagdalaw ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa Brazil, nilagdaan ng CMG at Grupo Bandeirantes de Comunicação ng Brazil ang kasunduang pangkooperasyon, na sumasaklaw sa isang programa ng mga balita hinggil sa Tsina, na magkasamang gagawin ng dalawang panig at isasahimpapawid sa mga TV channel ng naturang media group ng Brazil. Ito aniya ay malaking bunga ng kooperasyong pang-media ng dalawang bansa.
Binanggit ni Shen ang pagkober ng mga media ng mga bansang kanluranin, lalung-lalo na ng Amerika, sa kasalukuyang mga pangyayari sa Hong Kong, Tsina. Aniya, ang mga ulat ng mga media ng mga bansang kanluranin ay malayo sa katotohanan sa lugar na ito. Ang mga aksyong ginawa ng mga radikal sa Hong Kong ay dapat ituring na terorismo, dagdag ni Shen.
Salin: Liu Kai