Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

China Media Group Greater Bay Area Center, inilunsad

(GMT+08:00) 2019-11-08 09:32:24       CRI

Pinasinayaan nitong Huwebes, Nobyembre 7, sa Shenzhen, lalawigang Guangdong sa dakong timog ng Tsina, ang media center ng China Media Group (CMG) para sa Guangdong-Hong Kong-Macao Greater Bay Area. Kasabay nito, inilunsad din ang Radio The Greater Bay APP.

Sa kanyang talumpati sa pasinaya, sinabi ni Shen Haixiong, Presidente ng CMG na, upang ipatupad ang pambansang estratehiya ng pagtatatag ng Greater Bay Area, inilunsad ng CMG ang nasabing media center at APP. Layon nitong paglingkuran ang mga tagasubaybay sa pamamagitan ng de-kalidad na ulat at impormasyon sa iba't ibang aspekto, diin ni Shen. Dagdag pa niya, sa pamamagitan ng mga produkto ng CMG, malalaman din ng mga tagasubaybay ang mga patakaran at hakbangin ng bansa sa pagpapasulong ng pagtatatag ng Greater Bay Area at mga matagumpay na praktika sa pagpapatupad ng patakarang "Isang Bansa, Dalawang Sistema."

 

Lumahok din sa pasinaya ang mga puno ng pamahalaan ng lalawigang Guangdong at iba pang mga lider ng CMG.

Salin: Jade

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>