Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Anumang tangka ng puwersang dayuhan sa Hong Kong, hindi magtatagumpay

(GMT+08:00) 2019-11-24 08:02:53       CRI
Pinagtibay kamakailan ng Kongreso ng Amerika ang Hong Kong Human Rights and Democracy Act. Ito ay pakikialam sa suliraning panloob ng Tsina, at ipinakikita rin nito ang tangka ng panig Amerikano, na hadlangan ang pag-unlad ng Tsina, sa pamamagitan ng paglikha ng kaguluhan sa Hong Kong.

Pero, sa susunod na tatlong dahilan, hinding hindi magtatagumpay ang naturang tangka ng panig Amerikano. Una, ang kasalukuyang kalagayan sa Hong Kong ay nagresulta sa pakikialam ng ibang bansa. Salungat ito sa mithiin ng mga taga-Hong Kong, at palalakasin nito ang kanilang kahilingan sa pagbibigay-wakas sa karahasan at kaguluhan at pagpapanumbalik ng kaayusan. Ikalawa, ang kaguluhan sa Hong Kong ay grabeng makakapinsala sa negosyo at interes ng mga pandaigdig na kompanya mula sa iba't ibang bansang kinabibilangan ng Amerika. Kaya, ang tangka ng panig Amerikano na gumawa ng kaluguhan sa Hong Kong ay hindi magkakaroon ng pagkatig mula sa anumang panig. At ikatlo, ang pagpapatibay ng panig Amerikano ng akto tungkol sa Hong Kong ay aksyon ng "long-arm jurisdiction," at pakikialam sa suliraning panloob ng ibang bansa. Labag ito sa pandaigdig na batas at mga saligang norma ng relasyong pandaigdig. Tututulan ito ng komunidad ng daigdig.

Ang suliranin ng Hong Kong ay suliraning panloob ng Tsina. Hindi dapat makialam dito ang anumang puwersang dayuhan. Hindi rin dapat samantalahin ng anumang puwersa ang isyung ito, para tupdin ang sariling mga kapakanan.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>