Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CRI Komentaryo: Katalinuhan ng Tsina, tuluy-tuloy na nakakatulong sa pagresolba sa "apat na deficit"

(GMT+08:00) 2019-11-22 15:35:15       CRI

Binuksan nitong Huwebes, Nobyembre 21, 2019 sa Beijing ang 2019 New Economy Forum na may temang "Bagong Ekonomiya, Bagong Kinabukasan." Nagtipun-tipon dito ang halos 500 impluwensiyal na mangangalakal, lider ng inobasyong pansiyensiya't panteknolohiya, dalubhasa at iskolar mula sa mahigit 40 bansa't rehiyon para talakayin ang mga hakbangin sa pagharap sa mga hamong kinakaharap ng kabuhayang pandaigdig. Nagharap ang panig Tsino ng mga patakaran at paninindigan tungkol sa pagresolba sa "4 na deficit" ng komunidad ng daigdig.

Sa seremonya ng pagpipinid ng China-France Global Governance Forum noong nagdaang Marso, tinukoy ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na sa kasalukuyan, nahaharap ang komunidad ng daigdig sa apat na hamong kinabibilangan ng governance deficit, trust deficit, peace deficit at development deficit. Diin niya, para resolbahin ang nasabing apat na deficit, dapat igiit ang ideya ng katarungan, katwiran, pagsasanggunian, pag-uunawaan, magkakasamang pagsisikap, mutuwal na kapakinabangan at win-win situation.

Sa 2019 New Economy Forum, iminungkahi ng panig Tsino na para hanapin ang bagong lunas sa governance deficit, dapat pangalagaan ang sistemang pandaigdig na ang nukleo nito ay United Nations (UN), at buong sikap na itatag ang mas makatarungan at makatwirang global governance system. Diin nito, dapat maging bukas, may inobasyon, at inklusibo para hanapin ang bagong paraan sa paglutas sa development deficit; dapat maging pantay-pantay at matapat, magpalakas ng pagsasanggunian, pag-uunawaan, at pagtitiwalaan para resolbahin ang trust deficit; dapat ding igiit ang komon, komprehensibo, kooperatibo't sustenableng bagong ideolohiyang panseguridad, para alisin ang peace deficit.

Lubos na kinikilala ng mga kalahok na panauhin sa porum ang naturang mga mungkahi ng Tsina, bagay na muling nagpapatunay na ang pagbubukas, pagtutulungan, inobasyon at pagbibigayan ay pangunahing ideya ng pag-unlad ng kabuhayang pandaigdig. Dapat magkakapit-bisig na igiit ng iba't ibang bansa ang naturang mga ideya, samantalahin ang pagkakataon ng bagong round ng rebolusyong pansiyensiya't panteknolohiya, pasulungin ang masiglang pag-unlad ng bagong ekonomiya, at mabisang resolbahin ang "apat na deficit."

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>