Ipinahayag ngayong araw, Huwebes, ika-5 ng Disyembre 2019, sa Beijing, ni Tagapagsalita Gao Feng ng Ministri ng Komersyo ng Tsina, na isinasagawa ng mainland at Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao (Macao SAR) ang mga hakbangin, para palakasin ang kalakalan ng serbisyo, pamumuhunan, at kooperasyong pangkabuhayan ng dalawang panig. Ito aniya ay para pasulungin ang kabuhayan ng Macao sa iba't ibang aspekto, at igarantiya ang pangmatagalang kasaganaan at katatagan ng rehiyong ito.
Isinalaysay din ni Gao, na mula noong Enero hanggang Oktubre ng taong ito, umabot sa halos 17.6 bilyong yuan RMB ang halaga ng kalakalan ng mainland at Macao. Ito aniya ay mas malaki ng 5.5% kumpara sa gayun ding panahon ng nagdaang taon.
Salin: Liu Kai