Sanya, Lalawigang Hainan ng Tsina—Kasiya-siyang ipininid nitong Linggo, Disyembre 8, 2019 ang Ika-2 Hainan Island International Film Festival (HIIFF).
Tumagal ng 8 araw ang naturang pestibal, at 1,495 pelikula mula sa 80 bansa't rehiyon ang lumahok sa paligsahan para sa 10 gantimpala ng Golden Coconut Awards. Mahigit 200 pelikula mula sa 61 bansa't rehiyon ang itinanghal din sa panahon ng pestibal.
Nagwagi ng Special Committee Prize ang 4K na pelikulang "When China Wows the World: Celebrating the 70th Founding Anniversary of the People's Republic" na ginawa ng China Media Group. Ang pelikulang ito ay nagtatampok sa paradang militar bilang pagdiriwang sa ika-70 kaarawan ng Repulibka ng Bayan ng Tsina.
Salin: Vera