Idinaos Disyembre 11, 2019, sa Beijing, ang International Seminar on Interfaith Exchanges and Shared Future for Mankind.
Sa kanyang talumpati, ipinahayag ni Pagbalha Geleg Namgyai, Pangalawang Puno ng Pulitikal na Konsultatibong Kapulungan ng mga Mamamayang Tsino(CPPCC) at Puno ng China Committee on Religion and Peace na sa kasalukuyan, nabuo na ang pinagbabahaginang kinabukasan ng buong sangkatauhan. Sa harap ng hamong ito, kailangan ang mas madalas na pagpapalitan ng iba't ibang sibilisasyon at relihiyon, para magkakasamang itatag ang mas magandang kinabukasan.
Dumalo sa seminar na ito ang mahigit 30 personahe ng sirkulo ng relihiyon mula sa loob at labas ng Tsina.
Salin:Sarah