|
||||||||
|
||
Si Mr. Dheerujlall Baramlall Seetulsingh, miyembro ng Human Rights Council Advisory Committee ng United Nations(UN)at Tagapangulo ng Komisyon ng Karapatang Pantao ng Mauritius
Idinaos mula Disyembre 10 hanggang Disyembre 11 dito sa Beijing ang 2019 South-South Human Rights Forum. Nang kapanayamin ng mamamahayag ng China Media Group (CMG), ipinahayag ni Mr. Dheerujlall Baramlall Seetulsingh, miyembro ng Human Rights Council Advisory Committee ng United Nations(UN)at Tagapangulo ng Komisyon ng Karapatang Pantao ng Mauritius, na nagbigay ang Tsina ng napakalaking ambag para sa pag-unlad ng usapin ng karapatang pantao sa buong daigdig, at nagkaloob ng maraming tulong sa mga umuunlad na bansa.
Ipinahayag niya na dakila ang progreso na natamo ng Tsina sa larangan ng karapatang pantao nitong ilanpung taong nakalipas. Pinahahalagahan ng Tsina ang gawain ng pagbabawas ng kahirapan, ipinagkakaloob ang tulong sa mga umuunlad na bansa na kinabibilangan ng Aprika, at naging mas madalas ang pagpapalitan ng Tsina at mga umuunlad na bansa.
Ang 2019 South-South Human Rights Forum ay magkakasamang itinaguyod ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina at Ministring Panlabas ng Tsina, na may temang "Pagkakaiba-iba ng Kultura at Pag-unlad ng Karapatang pantao sa Daigdig."
Salin:Sarah
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |