|
||||||||
|
||
Beijing — Idinaos Miyerkules, Disyembre 4, 2019 ang Ika-3 Global Media Summit at Ika-9 na Global Video Media Forum ng China Global Television Network (CGTN) na may temang "Media at Siyensiya't Teknolohiya." Kasabay nito, pormal na naitatag ang CGTN think tank. Dumalo sa nasabing summit ang mahigit 300 personahe mula sa sirkulong pulitikal, komersyal, pansiyensiya't panteknolohiya, at media ng mga bansa ng buong daigdig.
Tinalakay ng mga kalahok na panauhin ang tungkol sa mga temang gaya ng mga hamon at oportunidad sa industriya ng media dala ng pag-unlad ng siyensiya't teknolohiya, at pagbabago ng porma ng komunikasyon dulot ng paggamit ng 5G technology.
Si Shen Haixiong, Pangalawang Ministro ng Publisidad ng Tsina at Presidente ng CMG
Ipinahayag ni Shen Haixiong, Pangalawang Ministro ng Publisidad ng Tsina at Presidente ng China Media Group (CMG), na puspusang sinasamantala ng CMG ang pagkakataong historikal sa media na dala ng pag-unlad ng siyensiya't teknolohiya. Iniharap din aniya ng CMG ang estratehiyang pangkaunlaran ng "5G+4K/8K+AI" para lubusang mabigyang-kasiyahan ang pangangailangan ng new media para sa bagong siyensiya't teknolohiya, at mabisang mapataas ang puwersang tagapagpasulong ng bagong teknolohiya para sa new media.
Bukod dito, sa magkakasamang pagsaksi ng mga namamahalang tauhan ng 27 kilalang think tank sa daigdig, magkakasanib na inilunsad ni Shen, kasama nina Zheng Bijian, Puno ng Pambansang Instituto ng Estratehikong Pananaliksik sa Inobasyon at Pag-unlad ng Tsina; at Yves Leterme, dating Punong Ministro ng Belgium, ang CGTN think tank.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |