Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Mga pangulo ng Tsina at Micronesia, nag-usap

(GMT+08:00) 2019-12-14 10:46:00       CRI

Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Biyernes, Disyembre 13, 2019 sa kanyang Micronesian counterpart na si David W. Panuelo, ipinagdiinan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina, na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang relasyon sa Micronesia. Nakahanda aniya ang Tsina na magsikap kasama ng Micronesia para mapasulong pa ang relasyon ng dalawang bansa at makapaghatid ng mas maraming benepisyo sa kanilang mga mamamayan.

Hinahangaan ni Xi ang ginagawang pagsisikap ni Panuelo sa pagpapaunlad ng relasyon sa Tsina at kanyang buong tatag na pananangan sa prinsipyong "Isang Tsina." Tinukoy din niya na iginigiit ng Tsina ang pagtahak sa landas ng mapayapang pag-unlad, at buong tinding tinututulan ang unilateralismo at hegemonya.

Bumati naman si Panuelo sa ika-70 anibersaryo ng pagkakatatag ng Republika ng Bayan ng Tsina. Aniya, ang kooperasyon ng Micronesia at Tsina ay nakakapaghatid ng aktuwal na benepisyo sa dalawang bansa at kanilang mga mamamayan. Umaasa aniya siyang ibayo pang mapapalawak ng dalawang bansa ang kooperasyon sa mga larangang gaya ng kabuhayan at kalakalan, konstruksyon ng imprastruktura, agrikultura, at edukasyon. Buong tatag na igigiit ng kanyang bansa ang patakarang "Isang Tsina," dagdag niya.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Micronesia
v Relasyong ng Tsina at Micronesia, isusulong 2019-12-14 10:30:33
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>