Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Relasyong ng Tsina at Micronesia, isusulong

(GMT+08:00) 2019-12-14 10:30:33       CRI

Beijing — Sa kanyang pakikipagtagpo nitong Biyernes, Disyembre 13, 2019 kay David W. Panuelo, dumadalaw na Presidente ng Federated States of Micronesia, ipinahayag ni Premyer Li Keqiang ng Tsina, na ang kasalukuyang taon ay ika-30 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Micronesia. Nakahanda aniya ang Tsina na sa pundasyon ng paggagalangan sa isa't-isa at pagkakapantay-pantay, magsikap kasama ng Micronesia para mapasulong pa ang komprehensibo't estratehikong partnership ng dalawang bansa.

Ipinahayag naman ni Panuelo na natamo ng relasyon ng Micronesia at Tsina ang napakalaking pag-unlad. Pinahahalagahan aniya ng kanyang bansa ang pagpapaunlad ng relasyon sa Tsina, at igigiit ang patakarang "Isang Tsina." Lubos na hinahangaan ng kanyang bansa ang ginagawang ambag ng panig Tsino sa pagharap sa pagbabago ng klima, at nakahanda itong palakasin ang pakikipagkooperasyon sa panig Tsino sa ilalim ng balangkas ng United Nations (UN), dagdag pa niya.

Salin: Li Feng

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>