Miyerkules ng hapon, Disyembre 18, 2019, dumating ng Epsesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao (MacaoSAR) si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina, Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, para dumalo sa serye ng aktibidad ng pagdiriwang sa ika-20 anibersaryo ng pagbalik ng Macao sa inangbayan.
Ayon sa ulat, mula Disyembre 18 hanggang 20, dadalo si Xi sa selebrasyon ng ika-20 anibersaryo ng pagbalik ng Macao sa inangbayan, inagurasyon ng ika-5 pamahalaan ng MacaoSAR, at maglakabay-suri sa lugar na ito.
Salin: Li Feng