Mula Disyembre 18 hanggang 20, 2019, pupunta si Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), Pangulo ng bansa, at Tagapangulo ng Komisyong Militar ng Komite Sentral ng CPC, sa Espesyal na Rehiyong Adsministratibo ng Macao (MacaoSAR) para dumalo sa selebrasyon ng ika-20 anibersaryo ng pagbalik ng Macao sa inangbayan, inagurasyon ng ika-5 pamahalaan ng MacaoSAR, at maglakabay-suri sa lugar na ito.
Disyembre 20, limang taon na ang nakararaan, sa kanyang talumpati sa selebrasyon sa ika-15 anibersaryo ng pagbalik ng Macao sa inangbayan at inagurasyon ng ika-4 na pamahalaan ng MacaoSAR, sinabi ni Xi na ang patuloy na pagpapasulong ng usapin ng "Isang Bansa, Dalawang Sistema" ay komong tungkulin ng pamahalaang sentral, pamahalaan ng MacaoSAR, at mga mamamayan ng iba't-ibang nasyonalidad na kinabibilangan ng mga kababayan ng Hong Kong at Macao. Aniya, kahit anong kahirapan at hamon ang lilitaw, hindi nagbabago ang kompiyansa at determinasyon ng bansa sa patakarang "Isang Bansa, Dalawang Sistema."
Sapul nang makabalik ang Macao sa inangbayan, matagumpay na tinutupad ang nasabing patakaran at Saligang Batas sa Macao, bagay na nakakapagbigay ng magandang larawan sa pag-unlad ng Macao.
Salin: Li Feng