Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xi Jinping: matagumpay ang pagsasagawa ng Isang Bansa Dalawang Sistema sa Macao

(GMT+08:00) 2019-12-20 12:45:03       CRI
Dumalo ngayong umaga, Biyernes, ika-20 ng Disyembre 2019, sa Macao, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa pulong bilang pagdiriwang sa ika-20 anibersaryo ng pagbalik ng Macao sa inangbayan at inagurasyon ng ika-5 pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao (MacaoSAR).

Sa saksi ni Pangulong Xi, nanumpa sa tungkulin si Ho Iat Seng, bagong Punong Ehekutibo ng MacaoSAR, at mga pangunahing opisyal ng ika-5 pamahalaan ng MacaoSAR.

Sa kanya namang talumpati sa aktibidad, sinabi ni Xi, na ang tagumpay na natamo ng Macao sapul nang bumalik ito sa inangbayan ay nagpapakitang, kung matatag ang paniwala sa sistema ng "Isang Bansa Dalawang Sistema," tiyak na lalabas ang bitalidad at kahigtan ng sistemang ito.

Hinahangaan din niya ang mga kababayang taga-Macao, na pinapahalagahan ang panlahat na kapakanan ng buong bansa at saligang kapakanan ng Macao, at ginagawang komong tungkulin ang pagsasagawa ng "Isang Bansa, Dalawang Sistema," pamamahala sa Macao ng mga taga-Macao, at awtonomiya sa mataas na antas.

Dagdag ni Xi, sapul nang maibalik ang Hong Kong at Macao sa inangbayan, ang paghawak sa mga suliranin ng mga ito ay ganap na suliraning panloob ng Tsina, at hinding hindi pahihintulutan ang panghihimasok ng kahit anong puwersang panlabas sa mga ito.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>