Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Seremonya ng pagtataas ng pambansang watawat ng Tsina, isinagawa bilang bahagi ng pagdiriwang ng ika-20 anibersaryo ng pagbalik ng Macao sa Tsina

(GMT+08:00) 2019-12-20 16:48:31       CRI

Isinagawa sa Golden Lotus Square, sa alas-8 ng ngayong umaga, ika-20 ng Disyembre, ang seremonya ng pagtataas ng pambansang watawat ng Tsina ng pamahalaan ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Macao (Macao SAR) upang ipagdiwang ang ika-20 anibersaryo ng pagbalik ng Macao sa Tsina inangbayan.

Lumahok sa seremonya si Ho Iat-seng, itatalagang Chief Executive ng Macao SAR, kasama ang mga matataas na opisyal na mula sa Liaison Office ng pamahataang Sentral sa Macao SAR, Tanggapan ng Ministring Panlabas sa Macao SAR, People's Liberation Army Macao Garrison at pamahalaan ng Macao SAR. Maraming mamamayan ng Macao at turista ang nanood din ng seremonya.

Alas-8 ng umaga, itinaas ang pambansang watawat ng Tsina at rehiyonal na bandila ng Macao SAR sa saliw ng pambansang awit ng Tsina. Solemnang tumayo ang mga balahok, mamamayan at turista, kumanta ng pambansang awit, at buong paggalang na pinagmasdan ang bandila..

Matapos umalis ang National Flag Guard, nagsagawa ang Honor Guards ng pagmamartsang tanghalan.

Salin: Zhang Ziyue

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>