Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Ulat hinggil sa umano'y sapilitang pagpapatrabaho ng Qingpu Prison sa mga dayuhang bihag, komedyang niluto ni Peter Humphrey

(GMT+08:00) 2019-12-25 12:11:00       CRI

Sinabi nitong Lunes, Disyembre 23, 2019 ni Tagapagsalita Geng Shuang ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang akusasyon ng Britanikong media sa umano'y sapilitang pagpapatrabaho ng Qingpu Prison sa Shanghai, Tsina, sa mga dayuhang bihag upang gumawa ng Christmas card ay isang nilutong komedya.

Saad ni Geng, napag-alaman niya mula sa kaukulang departamento na hindi pinipilit na magtrabaho ang mga dayuhang bihag sa Qingpu Prison ng Shanghai.

Tinukoy ni Geng na ito ay isang komedyang niluto ni Peter Humphrey, at madalas niyang niluluto ang mga headline upang di siya malimutan ng mga tao.

Ayon sa ulat ng pahayagang Global Times, noong 2013, inupahan ng GlaxoSmithKline (GSK), isang kompanya ng Britanya, si Peter Humphrey. Sa panahon ng kanyang biyahe sa Tsina para imbestigahan ang akusasyon ng pagsuhol ng nasabing kompanya, inaresto ng panig pulisya ng Tsina si Humphrey, dahil sa ilegal na paraan ng pagkuha ng mga impormasyon hinggil sa tagapagsumbong. Tumanggap siya ng 2 taong parusa sa Qingpu Prison. Noong 2015, pinalayas si Humphrey sa teritoryo ng Tsina.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>