Bubuksan sa ika-5 ng Marso, 2020, sa Beijing, ang ikatlong taunang sesyon ng Ika-13 Pambansang Kongresong Bayan (NPC), kataas-taasang lehislatura ng Tsina.
Ito ay ayon sa desisyong ginawa ng Pirmihang Lupon ng NPC sa pulong nito kahapon, Sabado, ika-28 ng Disyembre 2019.
Ayon pa rin sa desisyon, kabilang sa mga ahenda ng naturang sesyon ay pagsusuri sa government work report, plano ng pagpapaunlad ng kabuhayan at lipunan sa 2020, sentral at lokal na badyet sa 2020, at iba pa.
Susuriin din sa sesyon ang panukalang Civil Code ng Tsina. Ito ay magiging kauna-unahang civil code ng bansa, na sumasaklaw sa mga pribadong karapatan ng mga mamamayan sa lahat ng mga aspekto ng buhay na panlipunan.
Sa isa pang ulat, ayon sa desisyong ginawa sa pulong kamakailan ng tagapangulo at mga pangalawang tagapangulo ng Ika-13 Pambansang Komite ng Politikal na Konsultatibong Kapulungan ng Mamamayang Tsino (CPPCC), political advisory body ng Tsina, bubuksan sa ika-3 ng Marso, 2020, sa Beijing, ang ikatlong taunang sesyon ng Ika-13 Pambansang Komite ng CPPCC.
Salin: Liu Kai