Isinagawa kahapon, Martes, ika-14 ng Enero 2020, sa China Media Group (CMG) No 1. Studio, sa Beijing, ang unang rehearsal o ensayo ng CMG 2020 Spring Festival Gala.
Sumaksi ng ensayo ang mahigit 600 manonood, at binigyan nila ng mataas na pagtasa ang mga palabas.
Bilang pangunahing aktibidad na pangkultura para sa Spring Festival o Chinese New Year, pinakamahalagang kapistahan sa Tsina, itatanghal sa Enero 24 ng gabi ang nasabing CMG Gala, at i-eere ito sa buong daigdig sa pamamagitan ng mga TV channel, radio service, at internet.
Salin: Liu Kai