![]() |
|
|
||||||
![]() |
![]() |
![]() |
||
![]() |
||
![]() |
||
|
||
![]() |
||
![]() |
Sa saliw ng masayang awitin, 19:30 ng Biyernes, Enero 17, 2020, isinahimpapawid sabay-sabay ng China Central Television (CCTV)-3 channel, multiple mobile apps, at web platforms ang 2020 Spring Festival Web Gala na iniprodyus ng China Media Group (CMG). Ipinagkaloob nito ang isang tunay na "Youth Carnival" para sa mga kabataan mula sa iba"t-ibang sulok at sirkulo ng bansa.
Sa pamamagitan ng istilong kabataan, mabuting pinagsama-samahan ng nasabing web gala ang mga kuwento ng pagpupunyagi ng kabataan sa tatlong aspektong gaya ng indibiduwal, maligayang pamumuhay, at damdamin sa pamilya at estado. Pinagtipun-tipon sa gala ang mga internet influencers at bantog na vloggers, at ginamit ang mga mapanlikha at sikat o usong salita at marka para mabigyang-kasiyahan ang malawak na masa ng mga kabataan.
Bukod dito, ginamit din ng web gala ang mga bagong features na may malaking interaksyon. Sa 5G-based new media platform ng CMG, bilang pangunahing porma, ang "live chat while watching" ay isinagawa sa buong web gala. Ito ay hindi lamang naaangkop sa kaugalian ng paggamit ng mga batang manonood, kundi napataas pa ng malaki ang digri ng partisipasyon sa galang ito.
Ang pinakamalaking tampok ng interaksyon ay inilabas na digital portraits ng mga kabataang Tsino. Ito ay nababatay sa big data analysis na nagpapakita ng mga kolektibong alaala at pangarap na ini-share ng mga kabataang Tsino.
Ang nasabing maringal na "Youth Carnival" ay naglarawan ng magandang tanawin ng siglo, naghahatid ng maligayang pagpapakita ng mga kabataan, at nagkokolekta ng puwersa ng pagpupunyagi.
Salin: Li Feng
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |