Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Puhunang dayuhan na ginamit ng Tsina noong 2019, lumaki ng 5.8%

(GMT+08:00) 2020-01-22 16:31:52       CRI

Sa news briefing ng Tanggapan ng Impormasyon ng Konseho ng Estado ng Tsina nitong Martes, Enero 21, 2020, isinalaysay ni Qian Keming, Pangalawang Ministro ng Komersyo ng Tsina, na noong 2019, nanatiling matatag sa kabuuan ang takbo ng komersyo ng Tsina, at lumaki ng 5.8% ang paggamit ng puhunang dayuhan sa buong taon kumpara sa gayon ding panahon ng tinalikdang taon. Ito ay nanguna sa mga umuunlad na bansa, at pumangalawa sa buong mundo, dagdag niya.

Saad ni Qian, noong 2019, 941.5 bilyong yuan RMB ang puhunang dayuhan na aktuwal na ginamit ng Tsina sa buong taon, at nananatiling ikalawang pinakamalaking bansang pinupuntahan ng puhunang dayuhan sa buong mundo ang bansa.

Ayon naman sa salaysay ni Zong Changqing, Direktor ng Departamento ng Puhunang Dayuhan ng naturang ministri, noong isang taon, magkahiwalay na lumaki ng 36% at 40.1% ang pamumuhunan sa Tsina ng mga bansa sa kahabaan ng Belt and Road at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), ayon sa pagkakasunod.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>