|
||||||||
|
||
Nakapasa sa pagsusuri ng awtoridad ang isa pang bagong naitayong novel coronavirus (2019-nCoV) hospital sa Wuhan, lunsod sa gitna ng Tsina na malubhang apektado ng epidemiyang ito. Gagamitin ito sa lalong madaling panahon.
Ito ay ipinatalastas kahapon, Huwebes, ika-6 ng Pebrero 2020, ng panig opisyal ng Wuhan.
Ang naturang hospital na tinatawag na Leishenshan Hospital ay may saklaw ng 80 libong metro kwadrado. Magkakaloob ito ng 1,600 kama, at maaaring magtrabaho dito ang 2,000 tauhang medikal. Natapos ang konstruksyon ng hospital na ito sa loob lamang ng 10 araw.
Salin: Frank
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |