Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Leishenshan Hospital, binuksan na

(GMT+08:00) 2020-02-09 14:19:33       CRI

Binuksan kahapon, Sabado, ika-8 ng Pebrero 2020, ang isa pang bagong naitayong novel coronavirus (2019-nCoV) hospital sa Wuhan, lunsod sa gitna ng Tsina na malubhang apektado ng epidemiyang ito. Tinanggap nito kagabi ang unang batch ng mga may-sakit.

Ang naturang hospital na tinatawag na Leishenshan Hospital ay may saklaw ng 80 libong metro kwadrado. Magkakaloob ito ng 1,600 kama, at maaaring magtrabaho dito ang 2,000 tauhang medikal. Natapos ang konstruksyon ng hospital na ito sa loob lamang ng 10 araw.

Ang Leishenshan Hospital, kasama ng Huoshenshan Hospital na binuksan nitong Pebrero 4, ay para sa mga may-sakit ng novel coronavirus pneumonia na nasa kritikal na kondisyon. Samantala, ginagawa rin sa mga sentro ng pagpupulong, sentro ng pagtatanghal, at himnasyo sa Wuhan ang mahigit 10 mobile cabin hospital, para tanggapin ang mga may-sakit na katamtaman ang mga sintomas.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>