Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

CMG Komentaryo: rule of law, mahalaga para sa pananalo sa paglaban sa epidemiya

(GMT+08:00) 2020-02-09 16:32:53       CRI

Iniharap kamakailan ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina at Pangulo ng bansa, na dapat palakasin ang pagsisikap sa mga aspekto ng lehislasyon, pagpapatupad ng batas, katarungan, at pagtalima sa batas, para isagawa, alinsunod sa batas, ang pagpigil at pagkontrol sa epidemiya ng novel coronavirus. Ipinakikita nito ang ideya ng partido at pamahalaan ng Tsina hinggil sa pamamahala ng bansa alinsunod sa batas.

May ilang batas at regulasyon ang Tsina sa aspekto ng pagharap sa mga nahahawahang sakit at pangkagipitang pangyayari, na gaya ng Law on the Prevention and Treatment of Infectious Disease, Law on Response to Emergencies, Regulations on Preparedness for and Response to Emergent Public Health Hazards, at iba pa.

Pagkaraang sumiklaw ang kasalukuyang epidemiya, itinakda ng Tsina ang novel coronavirus pneumonia bilang nahahawahang sakit sa kategorya B. Ipinatalastas sa lahat ng 31 lalawigan, rehiyong awtonomo, at munispalidad ng mainland Tsina ang level 1 response. Ipinapatupad ang pagtanggap at pagbibigay-lunas sa hospital ng lahat ng mga kumpirmado at pinaghihinalaang may-sakit. Naparusahan ang mga opisyal ng pamahalaan na hindi maganda ang pagsasabalikat ng tungkulin ng paglaban sa epidemiya. Ang lahat ng mga ito ay isinasagawa alinsunod sa mga may kinalamang batas, at ipinakikita ang prinsipyong "rule of law."

Ang pagsasagawa ng mga hakbangin alinsunod sa batas ay mahalaga para sa pakikibaka sa epidemiya. Patuloy na pabubutihin ng Tsina ang pamamahala ng bansa alinsunod sa batas, sa pamamagitan ng pagharap sa mga pangkagipitang pangyayaring gaya ng kasalukuyang epidemiya. Makakatulong ito sa pagpapalakas ng kakayahan ng bansa laban sa mga krisis, at pagpapataas ng episiyensiya ng pangangasiwa. Sa bandang huli, makakabuti ito sa pangmatagalang matatag na pag-unlad ng lipunan at kabuhayan ng Tsina.

Salin: Liu Kai

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6392061806XX: Pagdalaw ni Dalai sa Taiwan hindi makakatulong sa pagkakaisa ng Taiwan at mainland. Dapat lumayo siya rito.
More>>