Kahapon, Sabado, ika-8 ng Pebrero 2020, ay ang Lantern Festival. Ang kapistahang ito ay itinuturing na huling araw ng selebrasyon ng Chinese Lunar New Year.
Ini-ere kagabi ng China Media Group (CMG) ang espesyal na TV program para sa araw na ito. Sa kasalukuyang panahon ng paglaban ng Tsina sa epidemiya ng novel coronavirus, di-tulad ng kagawian ng paggawa ng Lantern Festival gala na binubuo ng mga palabas na pansining, ang espesyal na programa kagabi ay nagtampok sa mga kuwento ng paglaban sa epidemiya.
Dahil sa alang-alang sa pagkalat ng sakit, walang manonood sa loob ng istudyo ng naturang programa. Pero, pinanood ito ng milyong-milyong tao sa telebisyon. Lubos ding hinahangaan ng mga manonood ang programa, at sinabi nilang, ipinakikita nito ang pagkakaisa at pagtutulungan ng lahat ng mga Tsino para pagtagumpayan ang mga pagsubok.
Salin: Liu Kai