Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Panig Tsino, nakahandang patuloy na palakasin ang koordinasyon at kooperasyon sa panig Ruso ukol sa pagpigil sa epidemiya

(GMT+08:00) 2020-02-10 16:34:50       CRI

Taos-pusong pinasalamatan Lunes, Pebrero 10, 2020 ni Geng Shuang, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, ang ibinigay na suporta ng Rusya sa Tsina, sa aspekto ng pagpuksa ng epidemiya ng novel coronavirus pneumonia (NCP). Diin niya, nakahanda ang panig Tsino na patuloy na palakasin ang koordinasyon at kooperasyon sa panig Ruso, upang magkasamang gumawa ng ambag sa pangangalaga sa seguridad ng kalusugang pampubliko ng rehiyon at daigdig.

Napag-alaman, ipinadala nitong Linggo ng pamahalaang Ruso ang 23 toneladang materyal na medikal sa Wuhan, episentro ng epidemiya ng novel coronavirus sa Lalawigang Hubei ng Tsina. Ayon sa salaysay ni Geng, ang mga panaklolong materyal na ipinagkaloob ng panig Ruso ay kinabibilangan ng mahigit 2 milyong mask at maraming protektibong kagamitang medikal.

Salin: Vera

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>